Posts

Showing posts from October, 2019

MATIRA MATIBAY

Sikap. Determinasyon. Ito ang naging kasangkapan ng limang estudyante ng ika-11 baitang mula sa Humanities and Social Sciences ang napabilang sa Honor Roll sa unang kwarter ngayong taon. Sina Jilla Mae Ligas ng pangkat Responsibility, Berryl Mae De Erio, Kurt Ferdinand Lemente, Marjoralyn M. Esgana, at Hannalee W. Piguerra ng pangkat na Courage ang nanaig mula sa kabuuang bilang ng mag-aaral sa nasabing pangkat at baitang. Sa panayam kay Jilla Mae Ligas na siyang nanguna sa kanilang strand, hindi makapaniwala na napabilang parin siya sa Honor Roll sa kabila ng hirap na nairanas niya sa SHS. “Kinakailangan lamang na may tiwala ka sa iyong sarili upang makamit ang inaasahang pangarap sa buhay”, sabi ni Ligas. Ayon kay G. Eliezer Dayon, isang guro sa HUMMS, nakakapanibago man ang naging kalabasan nito, ito ay mag-uudyok ng magaaral ng 11-HUMSS na mas galingan ng husto at pagsikapan na makasali na sa susunod na kwarter.

Most Valuable Strand: STEM, nangunguna sa mga paligsahang pampaaralan

Simula noong maitatag ang Senior High School, parating nahuhuli ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand pagdating sa mga patimpalak na inoorganisa sa paaralan. Ngunit nag-iba ang tadhana nito nang sunod-sunod ang pagkapanalo ng mga kalahok ng STEM sa mga kompetisyon sa paaralan. Wagi ang dalawang pares ng STEM strand sa dalawang magkasunod na paligsahan sa Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) matapos ipinamalas ang angking ganda at talino sa harap ng mga madlang estudyante. Kasiyahan ang bumungad sa pagkapanalo ng pares na sina Khasmiera Claire Ytac at June Lemente nang talunin ang anim nitong mga kasangga at masungkit at inaasam na titulo ng Lakan at Lakambini 2019. Matapos ang masusing paghahanda ay napawi ang lahat ng pagod at sakripisyo sa kanilang tagumpay. Bukod sa titulo ay ginawaran rin ang pares ng karagdagang pagkilala sa kanilang pagkapanalo bilang [“Best in Talent”] sa kanilang naging presentasyon ng talent, at “Lakan at Lakambini ng Madla” sa...

Ang Debate ng Ano at Sino, Ano nga ba ang Para kay Sino?

Alam natin na may pinagmulan ang tao. Alam natin na aabot ang mundo sa hangganan. Ngunit alam ba talaga ng tao kung saan siya nabibilang? Sabi ng Bibliya, ang babae ay galing sa buto ng lalaki kaya ang lalaki ay magmumula rin sa kanyang sinapupunan. Dalawang kasarian lamang ang paulit-ulit na tinatalakay sa Bibliya- na ang lahat ng buhay sa mundo ay huminga kasabay ng unang babae at lalaki. Datapuwa`t labag man sa kalooban ng simbahan, nais parin ng iilan maipaglaban ang mga panibagong kasarian na kanilang natuklasan. Nais ni Risa Ontiveros maitatag ang Sogie Bill na pumupuksa sa mabigat na paksa kaugnay ang LGBTQ+ Community. Sa paraan ng batas na ito, maproprotektahan ang karapatan ng nasabing komunidad at maaari na nilang maipasakatuparan ang pagpapagawa ng mga proyektong makatutulong sa kanila katulad na lamang ng pansariling palikuran. Marami ang sumisigaw ng paghadlang dito ngunit marami rin naman ang tumatango upang ito`y maitatag na sa wakas. Ngunit sino ba ang nararapat pakingg...

LABANAN NG MGA HIGANTE: Lycans, Sinindak ang Crimson Knights, Ibinulsa ang Kampeonato sa Men’s volleyball

Image
Kampeonado ang Lycans Imperium (kaliwa) natapos nitong talunin ang Crimson Knights sa iskor na (3-0) sa kasagsagan ng Intramurals 2019 ( Divo Sabello ) Ginulantang ng Lycans Imperium ang Crimson Knights sa Men’s Volleyball Championship ng JHS 25- 23, 25-17, 25-16 (3-0) matapos nilang ipinamalas ang magandang opensa na nagpahina sa Knights para masungkit ang kampeonato sa Intramurals 2019, sa IHMA Gym, Oktubre 3, 2019. Kumana ng twice-to-beat advantage ang Lycans ngunit, napataob sila ng Crimson Knights sa isang mainit na labanan sa kanilang unang sagupaan na nagbigay ng pinto sa Knights para maungusan ang Lycans. Kaba sa dibdib at pagod ang taglay ng mga manlalaro ng dalawang koponan sa umpisa pa lang ng kanilang huling harapan.  Palitan ng spikes at paligsahan ng depensa ang ipinamalas ng mga taong lobo at mga kabalyero na nagpagising sa mga fans ng bawat baitang. “Straight 6 sets ang nilaro namin, kaya yung pagod dala-dala naming lahat mga players” wika ni Lycans captain Charles ...

Teachers Congress 2019, nilahukan ng mga guro; kaalaman sa pagtuturo, ipinokus

Upang matuto at makipag-ugnayan sa mga kapwa guro, matagumpay na idinaos ang Teachers’ Congress 2019 noong Oktubre 3-5 sa Maryknoll Academy of Cateel, Davao Oriental. Nilahukan ng mga piling guro galing sa Diocese of Mati Catholic Schools Association na may kaakibat na temang: Beloved. Gifted. Empowered. May siyam na paaralan ang naging bahagi sa nasabing kaganapan na nahati sa dalawang pangkat, mula sa Gulf Town at East Coast. Sa pagtitipon-tipon na tatlong araw, may mga gawain na nakalaan na nag-imbita ng mga tagapagsalita tungkol sa Humanizing Education, Curriculum Planning, Assessment, Art of Questioning, at Test Construction. Nagkaroon rin ng Friendly Games at Socialization para sa mga guro upang linangin, hindi lang ang kanilang kaalaman pati na rin ang pakikisama ng bawat isa at pagiging aktibo. Nakahati sa dalawang grupo ang mga representateng guro, ito ay ang Team Gulf Town na nilahukan ng Immaculate Heart of Mary Academy, Colegio San Agustin, Maryknoll S...

Akreditasyon sa Siguradong Kinabukasan

“Magandang umaga sa inyong lahat. Kayo ngayon ay kasalukuyang nakasakay sa IHMA Airlines. Malugod naming kayong sinasalubong nang isang pasasalamat sa pagpili sa amin upang maging gabay sa inyong paglalakbay kaya’t umupo nang mabuti, huminga nang malalim at ipagkatiwala ninyo sa amin ang inyong makahulugang pananatili dito”. Isang magandang pambungad na salita para sa isang panibagong taon sa pag-aaral na aking inihahalintulad sa pagsakay sa isang eroplano. Ang pag-aaral ay parang pagsakay ng eroplano, kailangan nating sumakay sa isang eroplano upang makarating tayo sa ating nais na paroroonan at kailangan natin ng gabay sa ating paglalakbay upang sa gayo’y maabot nating ang ating nais na marating. Magiging posible lamang ang lahat ng ito kung mag-aaral tayo ng mabuti at mahanap natin ang paaralan na gagabay sa atin at magiging eroplano upang marating ang ating paroroonan, ang paaralan, kung saan maibibigay ang mabuting edukasyon para sa lahat ng mag-aaral mahirap ma...

4-PEAT: ABM, wagi sa Intrams 2019 Cheerdance Competition

Nakagawa ng kasaysayan ang Accountancy and Business Management (ABM) Strand matapos masungkit ang ikaapat na sunod-sunod na pagkapanalo sa Intramurals 2019 Cheerdance Competition sa Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) noong Oktubre 1, 2019. Tinalo ng ABM strand ang mga kalaban nitong strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand na nagtapos bilang 1st runner-up, at ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strang na nagtapos bilang 2nd runner-up. Minabuti ng strand na ayusin ng mabuti ang binigay sa kanilang oras upang mas makagawa sila ng maayos na dance routine na ipapakita sa madla sa pagbukas ng Intramurals 2019 sa IHMA. “Sa palagay ko, hindi kumukupas ang determinasyon at pagsisikap ng mga mag-aaral ng ABM upang makamit ang kampeonado. Dahil na rin sa kasipagan at gustong manalo ay naitawid nila ang inaasam na pagkapanalo,” sabi ni Keithly Balugo, isang mag-aaral ng ABM. Sa kasalukuyan, wala pang strand na nakakatalo sa ABM strand pagdating sa Chee...