4-PEAT: ABM, wagi sa Intrams 2019 Cheerdance Competition

Nakagawa ng kasaysayan ang Accountancy and Business Management (ABM) Strand matapos masungkit ang ikaapat na sunod-sunod na pagkapanalo sa Intramurals 2019 Cheerdance Competition sa Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) noong Oktubre 1, 2019.

Tinalo ng ABM strand ang mga kalaban nitong strand na Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand na nagtapos bilang 1st runner-up, at ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strang na nagtapos bilang 2nd runner-up.

Minabuti ng strand na ayusin ng mabuti ang binigay sa kanilang oras upang mas makagawa sila ng maayos na dance routine na ipapakita sa madla sa pagbukas ng Intramurals 2019 sa IHMA.

“Sa palagay ko, hindi kumukupas ang determinasyon at pagsisikap ng mga mag-aaral ng ABM upang makamit ang kampeonado. Dahil na rin sa kasipagan at gustong manalo ay naitawid nila ang inaasam na pagkapanalo,” sabi ni Keithly Balugo, isang mag-aaral ng ABM.

Sa kasalukuyan, wala pang strand na nakakatalo sa ABM strand pagdating sa Cheerdance Competition simula noong maitatag ang Senior High School.

Comments