Teachers Congress 2019, nilahukan ng mga guro; kaalaman sa pagtuturo, ipinokus
Upang matuto at makipag-ugnayan sa mga kapwa guro, matagumpay na idinaos ang Teachers’ Congress 2019 noong Oktubre 3-5 sa Maryknoll Academy of Cateel, Davao Oriental.
Nilahukan ng mga piling guro galing sa Diocese of Mati Catholic Schools Association na may kaakibat na temang: Beloved. Gifted. Empowered.
May siyam na paaralan ang naging bahagi sa nasabing kaganapan na nahati sa dalawang pangkat, mula sa Gulf Town at East Coast.
Sa pagtitipon-tipon na tatlong araw, may mga gawain na nakalaan na nag-imbita ng mga tagapagsalita tungkol sa Humanizing Education, Curriculum Planning, Assessment, Art of Questioning, at Test Construction.
Nagkaroon rin ng Friendly Games at Socialization para sa mga guro upang linangin, hindi lang ang kanilang kaalaman pati na rin ang pakikisama ng bawat isa at pagiging aktibo.
Nakahati sa dalawang grupo ang mga representateng guro, ito ay ang Team Gulf Town na nilahukan ng Immaculate Heart of Mary Academy, Colegio San Agustin, Maryknoll School of Lupon, Maryknoll School of Sigaboy, at Don Bosco Training Center at di nagpatalo ang Team East Coast na pinangunahan ng Maryknoll Academy of Cateel, Maryknoll School of Manay, St. Mary’s College of Baganga, at St. Mary’s Academy of Caraga.
Sa huli ng labanan, nanaig ang Team East Coast na nanalo sa larong volleyball, basketball, at iilan na larong pinoy na nakahanda.
“Teachers’ Congress is very helpful to refresh our knowledge that we can apply in our journey towards teaching,” pahayag ni Bb. Lenette Maboot, isa sa mga piling guro na lumahok sa nasabing aktibidad.
Comments
Post a Comment