Ang Debate ng Ano at Sino, Ano nga ba ang Para kay Sino?
Alam natin na may pinagmulan ang tao. Alam natin na aabot ang mundo sa hangganan. Ngunit alam ba talaga ng tao kung saan siya nabibilang?
Sabi ng Bibliya, ang babae ay galing sa buto ng lalaki kaya ang lalaki ay magmumula rin sa kanyang sinapupunan. Dalawang kasarian lamang ang paulit-ulit na tinatalakay sa Bibliya- na ang lahat ng buhay sa mundo ay huminga kasabay ng unang babae at lalaki. Datapuwa`t labag man sa kalooban ng simbahan, nais parin ng iilan maipaglaban ang mga panibagong kasarian na kanilang natuklasan.
Nais ni Risa Ontiveros maitatag ang Sogie Bill na pumupuksa sa mabigat na paksa kaugnay ang LGBTQ+ Community. Sa paraan ng batas na ito, maproprotektahan ang karapatan ng nasabing komunidad at maaari na nilang maipasakatuparan ang pagpapagawa ng mga proyektong makatutulong sa kanila katulad na lamang ng pansariling palikuran.
Marami ang sumisigaw ng paghadlang dito ngunit marami rin naman ang tumatango upang ito`y maitatag na sa wakas. Ngunit sino ba ang nararapat pakinggan? Ano ba ang nararapat gawin? Ano nga ba ang para kay sino? Ikaw na ang humatol nito.
Comments
Post a Comment