Most Valuable Strand: STEM, nangunguna sa mga paligsahang pampaaralan

Simula noong maitatag ang Senior High School, parating nahuhuli ang Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand pagdating sa mga patimpalak na inoorganisa sa paaralan. Ngunit nag-iba ang tadhana nito nang sunod-sunod ang pagkapanalo ng mga kalahok ng STEM sa mga kompetisyon sa paaralan.

Wagi ang dalawang pares ng STEM strand sa dalawang magkasunod na paligsahan sa Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA) matapos ipinamalas ang angking ganda at talino sa harap ng mga madlang estudyante.

Kasiyahan ang bumungad sa pagkapanalo ng pares na sina Khasmiera Claire Ytac at June Lemente nang talunin ang anim nitong mga kasangga at masungkit at inaasam na titulo ng Lakan at Lakambini 2019. Matapos ang masusing paghahanda ay napawi ang lahat ng pagod at sakripisyo sa kanilang tagumpay.

Bukod sa titulo ay ginawaran rin ang pares ng karagdagang pagkilala sa kanilang pagkapanalo bilang [“Best in Talent”] sa kanilang naging presentasyon ng talent, at “Lakan at Lakambini ng Madla” sa pagkakaroon ng pinakamaraming paggusto sa kanilang larawang inilagay sa Facebook.

Taba ng puso at umaapaw na saya ang nararamdaman ng pares sapagkat hindi nila ipinagkailang sila ang mananalo sa nasabing kumpetisyon.

“Nakaka-proud kasi ipinakita natin [STEM strand] na hindi lamang tayo nananaig sat alas ng isipan, kundi pati na rin sa pagpapamalas ng kagandahan at talent,” sabi ni Khasmiera Ytac sa naging pagkapanalo nito sa kompetisyon.

Nagbunga rin ang paghahanda ng strand sa pagtapak sa unang puwesto ng pares na sina Giselle Sayman at Gerico King Lubiano sa 2019 Science Month Ambassador and Ambassadress suot ang kanilang naggagandahang kasuotan gawa sa mga nagamit nang mga materyales na namukod-tangi mula sa ibang kasuotan at napili bilang [“Best in _”]. Pinaghandaan rin ng mabuti ng pares ang kanilang naging adbokasiya na nagbigay-daan upang sila ay napili bilang “Best in Advocacy” sa nasabing kompetisyon.

Makikitang nagbunga ang pagod at sakripisyo ng mga mag-aaral ng STEM strand pagdating sa mga patimpalak ngayong taon. Sabi ng mga ito, tiyak na paghuhusayan nila ng mabuti ang mga susunod pang kompetisyon upang mas maiwawagayway nila ng husto ang bandera ng STEM pagdating sa mga paligsahan.

Comments