Akreditasyon sa Siguradong Kinabukasan
“Magandang umaga sa inyong lahat. Kayo ngayon ay kasalukuyang nakasakay sa IHMA Airlines. Malugod naming kayong sinasalubong nang isang pasasalamat sa pagpili sa amin upang maging gabay sa inyong paglalakbay kaya’t umupo nang mabuti, huminga nang malalim at ipagkatiwala ninyo sa amin ang inyong makahulugang pananatili dito”. Isang magandang pambungad na salita para sa isang panibagong taon sa pag-aaral na aking inihahalintulad sa pagsakay sa isang eroplano. Ang pag-aaral ay parang pagsakay ng eroplano, kailangan nating sumakay sa isang eroplano upang makarating tayo sa ating nais na paroroonan at kailangan natin ng gabay sa ating paglalakbay upang sa gayo’y maabot nating ang ating nais na marating. Magiging posible lamang ang lahat ng ito kung mag-aaral tayo ng mabuti at mahanap natin ang paaralan na gagabay sa atin at magiging eroplano upang marating ang ating paroroonan, ang paaralan, kung saan maibibigay ang mabuting edukasyon para sa lahat ng mag-aaral mahirap man o may kaya, salat man o hindi, isang paaralan naa pantay-pantay ang pakikitungo sa lahat estudyante man o guro. Ang Immaculate Heart of Mary Academy ay isang paaralan kung saan may layuning mapabuti ang kalagayan ng bawat mag-aaral at maibigay sa kanila ang mahusay na kalidad ng edukasyon na nararapat para sa kanila at mas mapabuti pa ito sa tulong ng PAASCU Accreditation. Ang PAASCU ay nangangahulugang Philippine Association of Schools, Colleges and Universities. Ang PAASCU ay naglalayong maibigay ang isang mataas na kalidad ng edukasyon at mapabuti ang kalagayan ng mga pribadong paaralan sa buong Pilipinas at bilang isang IHMAcian, malugod akong natutuwa sapagkat ang Immaculate Heart of Mary Academy ay nakapasa sa PAASCU Accreditation sa una nitong antas. Napawi lahat ng sakripisyo ng mga guro at iba pang kasapi ng paaralan nang malaman ang balitang ito. Malugod kong binabati ang lahat ng mga guro estudyante at iba pang kasapi ng paaralan sa isang panibagong tagumpay na nakamit ng Immaculate Heart of Mary Academy.
Comments
Post a Comment