LABANAN NG MGA HIGANTE: Lycans, Sinindak ang Crimson Knights, Ibinulsa ang Kampeonato sa Men’s volleyball

Kampeonado ang Lycans Imperium (kaliwa) natapos nitong talunin ang Crimson Knights sa iskor na (3-0) sa kasagsagan ng Intramurals 2019 (Divo Sabello)

Ginulantang ng Lycans Imperium ang Crimson Knights sa Men’s Volleyball Championship ng JHS 25- 23, 25-17, 25-16 (3-0) matapos nilang ipinamalas ang magandang opensa na nagpahina sa Knights para masungkit ang kampeonato sa Intramurals 2019, sa IHMA Gym, Oktubre 3, 2019.

Kumana ng twice-to-beat advantage ang Lycans ngunit, napataob sila ng Crimson Knights sa isang mainit na labanan sa kanilang unang sagupaan na nagbigay ng pinto sa Knights para maungusan ang Lycans. Kaba sa dibdib at pagod ang taglay ng mga manlalaro ng dalawang koponan sa umpisa pa lang ng kanilang huling harapan. 

Palitan ng spikes at paligsahan ng depensa ang ipinamalas ng mga taong lobo at mga kabalyero na nagpagising sa mga fans ng bawat baitang. “Straight 6 sets ang nilaro namin, kaya yung pagod dala-dala naming lahat mga players” wika ni Lycans captain Charles Unabia 

Pinadaan sa butas ng karayom ng Knights ang Lycans matapos nilang pantayan ang lakas ng kanilang koponan sa pangunguna ng kanilang kayod marinong si Miggy Silvestre na kumana ng 5 puntos sa unang laro. 

Depensa naman ang sagot ng Lycans ng tinibag nila ang opensa ng Knights at pinaulanan ng mga spikes at malakasang opensa na pinangunahan ng kanilang powerhouse duo na sina, Yemiel Almaida at Salman Tambuco na tumipa ng tig 8 puntos. 25-23 ang talaan, Lycans.

“Nasa amin lahat ng pressure, kaya ibinigay namin ang lahat ng mga teammates ko hanggang sa makakaya namin.” wika ni Yemiel. 

Mas tumindi pa ang lakas at liksi ng Lycans sa sumunod na mga sets, matitinding opensa at matibay na depensa sa tulungan nina Elvin Sabello, Charles Unabia at Cardo Liguez. 

Lumaban parin ang Knights at walang ipinakita na dehado na sila sa laro sa pangunguna nina Adrian Balante, Julz Apostol at Josh Babatugon ngunit hindi parin nila matibag ang kalasag ng Lycans at tumala ng maraming errors sa huling dalawang set. 

“Hindi na namin nakayang pantayan ang laro ng aming koponan, dala narin siguro ng pago kaya’t hindi kami nakapag laro ng maayos” wika ni Miggy Silvestre. 

Humina ang lakas ng mga kabalyero at namakulaw ang mga taong lobo, malakidlat na mga spikes maliliksing depensa ang ipinamalas ng Lycans para hindi na sila maungusan ng Knights. 

“Nakita naming na kaya nila kaming talunin, sa first game pa lamang na twice-to-beat kami. Inisip lang namin na panalo kami, kaya nadala kami sa aming mindset at inexecute ang aming mga play. wika ni Elvin Sabello.   

Nagtapos ang dwelo na dinumina ng Lycans ang Knights 25-23, 25- 17, 25-16 (3-0), kampeon ang Lycans sa Intramurals 2019 Men’s Volleyball (JHS).

Comments