Posts

Koreksiyon sa Depresyon

Madalas ang problema na sumasalubong sa ating buhay. Dahil na rin sa samu’t saring mga kadahilanan at mga salik na nag-iimpluwensiya rito, tumatambak ito sa emosyonal na kapasidad ng isang tao. Ang bigat na nararamdaman umano ng mga taong may problema ay makakaapekto sa galaw ng kanilang buhay. Marahil ang tanging paraan upang malagpasan ang mga ito ay ang harapin ito. Ngunit hindi naman rin ito sapat para sa pagsasaayos ng diwa ng isang tao. Kapag hindi napigilan ng maigi ang kabigatan ng problema at nagsimulang masabak sa paglumbay, isa itong inklinasyon na ang tao ay mayroong depresyon. Ang depresyon ay isang kundisyon sa pag-iisip na nakakaapekto sa kung paano mag-isip at magdamdam ang isang tao. Ang kadalasang sintomas ng kundisyong ito ay ang madalas na pagkalungkot, pagkawala ng interes sa mga bagay, pagkawala ng gana, hirap sa pagtulog, mababa ang tingin sa sarili, at iba pa. Madalas nating nadadaanan ang terminolohiyang ito sa mga paalalang ihinahayag sa social media, m...

Manunulat ng mga Mamumulat

Sino ba ang dapat habagan: ang piping may pinag-aralan o ang bibig na mangmang? Ibig ng mga dayuhan noon na sakupin ang Pilipinas sa mga tunay nitong eredero. Dahas ang nagpaliyab sa labanan datapuwa’t sa gitnang kahirapan at karahasan, hinatak ni Dr. Jose Rizal ang mga mapanlinang sa pamamagitan ng kanyang mga salita. Iniwan niya ang mundo na may bakas, binigyan niya ng bukas ang kabataan, tinagos niya ang kahalagahan ng papel at pluma sa isipan ng bawat isa at isinulat niya mula rito ang ating kalayaan. Naniwala si Rizal na ang pag-asa ng bayan ay umiindayog sa palad ng pangkasalukuyang henerasyon. Kaya ano pa ba ang pakinabangng kabataan ngayon kundi iukit ang kalayaan ng susunod na henerasyon mula sa kurba at tuldok ng makatotohanang pamamahayag? Kabayanihan. Utak. Dahas. Panulat. Kamalayan. Ang kamalayan ng bansa ay hindi lamang nagmumula sa tulis ng espada o sa tutok ng baril kundi sa tuldok din ng isang panulat mulasa kamay ng isang batang Juan dela Cruz na may pagmamahal sa kan...

Pagod na rin Ako

Pagod na rin ako Umiiyak sa gilid ng walang nakamasid Nawawalan ng ulirat nakatanaw sa kawalan Tinayanong sa Bathala kung bakit binuhay pa Ang taong katukad ko na wala namang halaga sa paningin ng iba Pagod na rin ako. Gabi-gabing naturulog sa basang mga unan Dinadama bawat lait ng lipunan Masasakit na mga salitang binitawan Nanatiling nakaukit sa'king puso't isipan Hindi ako masaya, ni 'di madama sariling presensiya Parang aninong sunod-sunuran Parang walang sariling mga bibig at paa upang lumaban Isip at matang binalot sa kahihiyan Iniidp na solusyon sa problema'y kamatayan Ako'y pagod na rin sa lahat ng bagay Nawawalan ng lakas at rason upang mabuhay Hinablot ko ang kutsilyo at saka itinuro sa sariling katawan Wala namang aawat upang ako'y pigilan Wala akong ibang naramdaman Kundi ang lamig ng kutsilyo aking pulsuhan Sa pagbilang ko ng tatlo matatapos na rin ito Isa…Dalawa…tatlo May biglang humawak sa aking mga kamay Rason upang mabitawan ang bagay na nakamam...

Tulong!

Isinilang ka sa mundong ito,  Unang pag-iyak mo ay dinig na dinig ko.  Isang buhay na nilikha ng Diyos,  Minahal at inaruga ng lubos. Paglipas ng panahon ay lumaki ka na,  Isang bata na musmos pa lamang na laging puno ng ligaya.  Walang problemang iniinda, Parang isang ibong lumilipad at malaya.  Patagal nang patagal ay nararamdaman mo na ang pagod at hirap sa lahat ng bagay.  Parang isang lumang tulay na malapit nang bumigay.  Problema sa paaralan, kaibigan at pamilya,  Ngunit sa isip mo ay “Hindi, kaya ko pa”  Humihingi ka na ng tulong ngunit walang nakadama, walang nakakita,  Kaya nagpatuloy ka at hindi nagpatinag.  Isang araw ay gumising ka,  Sinag ng araw ay hindi mo na nakita.  Unti-unti nang nagdilim ang iyong paligid at pag-iisip sa loob ng isang silid.  ‘Di na nakaya ang pinaghalong kirot at pagod na nadarama,  Buhay ay kinitil upang matapos na

Taas Noo sa Guro

Ang tanglaw sa gabing madilim, ang perlas sa malawak na karagatan, at ang bayani ng paglalakbay sa buhay. Sisikat ang araw, malalanta ang mga bulaklak, hahangin ng malakas, matutuyot ang tubig sa batis, muling magdidilim, ngunit kailanman hindi matatapos ang obligasyon ng isang guro sa libu-libong estudyante na kanyang tinuruan, tinuturuan, at tuturuan. Sa likod ng masayang mukha ng guro sa ating harapan ay ang mga pawis at luha ay makikita. Sa bawat aklat na binubuklat ay may nakatagong pait at hirap na pinagdadaanan. Sa bawat leksyon na itinuturo ay nakatago ang isang butil ng karunungan. Binubuo nila ang araw at gabi maihanda lang ang mga aralin. Wala silang ibang hinahangad kundi ang maabot ang ating mga pangarap. Sila ang mga guro na nagsisilibing ikalawang magulang, tinuturing nating bayani dahil ang tunay na bayani ay walang ibang hinahangad kung hindi ang wastong kaalaman, karunungan, at asal para sa ikabubuti ng karamihan.  Bilang isang pagpupugay at pagbibigay-ha...