Tulong!
Isinilang ka sa mundong ito,
Unang pag-iyak mo ay dinig na dinig ko.
Isang buhay na nilikha ng Diyos,
Minahal at inaruga ng lubos.
Paglipas ng panahon ay lumaki ka na,
Isang bata na musmos pa lamang na laging puno ng ligaya.
Walang problemang iniinda,
Parang isang ibong lumilipad at malaya.
Patagal nang patagal ay nararamdaman mo na ang pagod at hirap sa lahat ng bagay.
Parang isang lumang tulay na malapit nang bumigay.
Problema sa paaralan, kaibigan at pamilya,
Ngunit sa isip mo ay “Hindi, kaya ko pa”
Humihingi ka na ng tulong ngunit walang nakadama, walang nakakita,
Kaya nagpatuloy ka at hindi nagpatinag.
Isang araw ay gumising ka,
Sinag ng araw ay hindi mo na nakita.
Unti-unti nang nagdilim ang iyong paligid at pag-iisip sa loob ng isang silid.
‘Di na nakaya ang pinaghalong kirot at pagod na nadarama,
Buhay ay kinitil upang matapos na
Comments
Post a Comment