Pagod na rin Ako
Pagod na rin ako
Umiiyak sa gilid ng walang nakamasid
Nawawalan ng ulirat nakatanaw sa kawalan
Tinayanong sa Bathala kung bakit binuhay pa
Ang taong katukad ko na wala namang halaga sa paningin ng iba
Umiiyak sa gilid ng walang nakamasid
Nawawalan ng ulirat nakatanaw sa kawalan
Tinayanong sa Bathala kung bakit binuhay pa
Ang taong katukad ko na wala namang halaga sa paningin ng iba
Pagod na rin ako.
Gabi-gabing naturulog sa basang mga unan
Dinadama bawat lait ng lipunan
Masasakit na mga salitang binitawan
Nanatiling nakaukit sa'king puso't isipan
Hindi ako masaya, ni 'di madama sariling presensiya
Parang aninong sunod-sunuran
Parang walang sariling mga bibig at paa upang lumaban
Isip at matang binalot sa kahihiyan
Iniidp na solusyon sa problema'y kamatayan
Ako'y pagod na rin sa lahat ng bagay
Nawawalan ng lakas at rason upang mabuhay
Hinablot ko ang kutsilyo at saka itinuro sa sariling katawan
Wala namang aawat upang ako'y pigilan
Wala akong ibang naramdaman
Kundi ang lamig ng kutsilyo aking pulsuhan
Sa pagbilang ko ng tatlo matatapos na rin ito
Isa…Dalawa…tatlo
May biglang humawak sa aking mga kamay
Rason upang mabitawan ang bagay na nakamamatay
Umiiyak ako sa kanlungan ni Inay
Nakita ko ang rason kung bakit ako ay binuhay.
Comments
Post a Comment