KALUSUGANG PANGKAISIPAN: Eksperto, Binigyang diin ang Pagtutok sa mga Bata

Rev. FR. Jay B. Ramos, DCM nagbigay sa kanyang paunang mensahe at taos-pusong pagsalubong sa mga kalahok ng Teachers Congress 2019 (Ms. Jay Felizarta)

Upang maliwanagan ang mga magulang kung papaano intindihin ang kalusugang pangkaisipan ng kanilang mga anak, tinalakay ng isang lisensyadong Guidance Counselor sa ikalawang PTA Assembly sa Immaculate Heart of Mary Academy noong ika-21 ng Septyembre.

Binigyang diin ni Bb. Lea F. Elivera na bantayan palagi ang kondisyon ng mga bata upang maiwasan ang pagpapakamatay o saktan ang sariling katawan dahil malaki ang magiging epekto ito sa mga mahal sa buhay.

“I require the parents to also check their child sa social media labi na sa twitter kay dira gina labas tanan sa mga bata, usahay sa facebook pero sa twitter gyud na sila naga labas sailang mga gibati”, ani Elivera. Pinaalahanan rin niya ang mga magulang na sa panahon ngayon, mas nakatutok ang mga kabataan ngayon sa social media kung saan dito inilalabas ang mga kanilang damdamin at problema.

“Ang mga bata karon napansin nako hina sila ug coping skills tapos wala silay patience kay instant naman tanan tungod sa mga gadgets ug technology,” sabi ni Elivera.

Ayon rin sa kanya, nararapat na turuan ang mga anak na ilabas ang mga problema at makisama upang matugunan ng husto ng mga magulang ang sitwasyong nadaranas.

Comments