Posts

Showing posts from September, 2019

Karagdagang kategorya sa pagsulat, idinagdag sa DSPC 2019

Galing at talento ang ipinamalas ng mga mag-aaral ng iba’t ibang paaralan sa Mati City Division sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2019 na ginanap sa Davao Oriental Regional Science High School noong Setyembre 25-27, 2019. Sa taong ito, nagdagdag ng bagong kategorya sa paligsahan katulad ng Pagsulat ng Haligi (Column Writing) at Online Publishing, na nagbigay ng mas malawak na oportunidad para sa mga batang manunulat. “Ang kompetisyong ito [DSPC] ay ‘di lamang nagsisilbing pagsasanay kundi isa rin itong pinto tungo sa maraming oportunidad na naghihintay sa hinaharap,” sabi ni Miggy Templa, isang mamamahayag mula sa Immaculate Heart of Mary Academy at kalahok sa DSPC 2019. Humigit-kumulang 300 na campus journalists ang lumahok sa nasabing kompetisyon sa kabila ng pag-alis ng ibang paaralan sa layong i-pokus ang atensyon sa mga paaralang nabibilang sa dibisyong ito. Ang mga mananalong manunulat ay magrerepresenta sa ilalim ng Division of the City of Mati sa darating na Regio...

Nawawalang Pangil ng Batas

Image
  Nagimbala ang karamihan sa hazing na naganap sa loob ng Philippine Military Academy Campus na ikinamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio.  Kilala ang PMA bilang isang matatag na institusyon na nagpapalaganap at nagpapatupad ng mga batas sa bansa at humuhubog sa mga susunod na magpapatupad ng batas. Ngunit mismong sa institusyong ito pa nangyari ang karumal-dumal na gawaing ito. Sa pagpapatupad ng RA 11053 o Anti-Hazing Law, ipinapakita na tila wala itong silbi at walang natatakot sa batas na ito.  Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang hazing sa loob ng PMA campus. Naging biktima rin sina Cadet Ace Bernabe Ekid noong taon 2000 at si Cadet Edward Domingo noong Marso 2001. Sa nangyari kay Dormitorio, patunay lamang ito na nabigo ang PMA sa pagsunod at pagpapatupad ng Anti-Hazing Law.  Namatay si Dormitorio dahil sa cardiac arrest secondary to internal hemorrhage. Bago sya namatay ay dinadaing na nito ang pagsakit ng kanyang tiyan. Sinasabing iba p...

KALUSUGANG PANGKAISIPAN: Eksperto, Binigyang diin ang Pagtutok sa mga Bata

Image
Rev. FR. Jay B. Ramos, DCM nagbigay sa kanyang paunang mensahe at taos-pusong pagsalubong sa mga kalahok ng Teachers Congress 2019 ( Ms. Jay Felizarta ) Upang maliwanagan ang mga magulang kung papaano intindihin ang kalusugang pangkaisipan ng kanilang mga anak, tinalakay ng isang lisensyadong Guidance Counselor sa ikalawang PTA Assembly sa Immaculate Heart of Mary Academy noong ika-21 ng Septyembre. Binigyang diin ni Bb. Lea F. Elivera na bantayan palagi ang kondisyon ng mga bata upang maiwasan ang pagpapakamatay o saktan ang sariling katawan dahil malaki ang magiging epekto ito sa mga mahal sa buhay. “I require the parents to also check their child sa social media labi na sa twitter kay dira gina labas tanan sa mga bata, usahay sa facebook pero sa twitter gyud na sila naga labas sailang mga gibati”, ani Elivera. Pinaalahanan rin niya ang mga magulang na sa panahon ngayon, mas nakatutok ang mga kabataan ngayon sa social media kung saan dito inilalabas ang mga kanilang ...

Hadlang sa Kaunlaran

Mainit ang naging diskusyon ukol sa paghain ng panukalang batas tungkol sa pagababawal ng pagbibigay ng takdang- aralin sa lahat ng antas mula Kinder hanggang Grade 12.  Nakakalungkot isipin na ang takdang-aralin ang nagiging dahilan upang hindi magkaroon ng oras ang mga mag-aaral sa kanilang sarili pamilya.  Ngunit sa panahon ngayon, hindi natin maitatanggi na laganap na ang paggamit ng gadyet at social media sa mga kabataan. Halos lahat ng oras nila ay kanilang iginugugol sa paggamit ng gadyet kaya kahit maipasa ito ay walang kasiguruhan na ito ay magiging epektibo. Nagsilbing panapos na gawain ang takdang-aralin na mas lalong lumilinang sa kakayahan at talino ng mga mag-aaral at naipapatuloy ang pagkalap ng impormasyon, kaalaman at ideya.  Ayon sa House Bill No. 3611 na inihain ni Sorsogon Rep. Evelina G. Escudero, ipagbabawal ang pagbibigay ng takdang- aralin sa lahat ng antas mula Kinder hanggan Grade 12.  Napapabagal nito ang proseso ng pagka...

Kapatid sa Kapatid, Tungkulin sa Tungkulin

“Two is better than one,” ika nga ng karamihan nang itinanghal bilang bagong president at bise president ng Students’ Coordinating Group o SCG ang magkapatid na sina Ella Mae Manluyang at Elaiza Mae Manluyang. Sa kabila ng tagumpay, maraming beses nadapa si Ella at naranasan ang pait ng pagkatalo na siya ring nagtulak sa kanyang ina upang pagdudahan ang kanyang kapabilidad na maging lider. Ito rin ang kanyang naging inspirasyon upang patunayan na mali ang pagdududa sa kanya. Malakas ang naging tibok ng kanyag puso ng hinarap na niya ang resulta ng SCG Election. Labis ang kanyang pag-iyak mula sa kasiyahang naramdaman nang nalaman siya’y nagwagi. Si Elaiza ay isa ring consistent honor student na may hilig sa pagsayaw katulad lamang ng kanyang kapatid. Datapuwa’t habang marami silang pagkakapareho sa buhay, magkakaiba naman ang dalawa. Seryoso si Ella habang si Elaiza naman ay sumasabay lamang sa agos ng buhay. Nang inalok si Elaiza na tumakbo bilang bise president, ...

Youth Camp, Nag iwan ng Masayang Alaala sa ika-12 Baitang

Matagumpay ang pagtipon-tipon ng ika-12 ng baitang ng Immaculate Heart of Mary Academy sa Youth Camp 2019 noong Setyembre 19-20 na kaakibat sa pagdiriwang ng Year of the Youth. Maraming nakahanda na mga aktibidades para sa mga mag-aaral sa pangunguna ni G. Kerry Jed C. Bernido na naghatid ng kasiyahan sa lahat. Mas tumutok ang lahat sa paligsahan na Youth Ambassador and Ambassadress na nilahukan ng kanya-kanyang representante sa bawat pangkat. May nakalaan na iba’t ibang kategorya sa nasabing kompeitsyon, ito ang Jeans Wear, Casual Attire, Talent, Question and Answer, at ang kasuotan nila na gawa sa recycled materials. Pinakita nila ang ganda sa pagrampa at husay na kanilang ipinamalas na talento at kasagutan sa madla. Sa huli, nagwagi ang ABM-Honor na nakatanggap ng espesyal na mga karangalan na kanilang napanalunan at itinanghal bilang Youth Ambassador and Ambassadress sa taong ito.