Hadlang sa Kaunlaran

Mainit ang naging diskusyon ukol sa paghain ng panukalang batas tungkol sa pagababawal ng pagbibigay ng takdang- aralin sa lahat ng antas mula Kinder hanggang Grade 12. 

Nakakalungkot isipin na ang takdang-aralin ang nagiging dahilan upang hindi magkaroon ng oras ang mga mag-aaral sa kanilang sarili pamilya. 

Ngunit sa panahon ngayon, hindi natin maitatanggi na laganap na ang paggamit ng gadyet at social media sa mga kabataan. Halos lahat ng oras nila ay kanilang iginugugol sa paggamit ng gadyet kaya kahit maipasa ito ay walang kasiguruhan na ito ay magiging epektibo.

Nagsilbing panapos na gawain ang takdang-aralin na mas lalong lumilinang sa kakayahan at talino ng mga mag-aaral at naipapatuloy ang pagkalap ng impormasyon, kaalaman at ideya. 

Ayon sa House Bill No. 3611 na inihain ni Sorsogon Rep. Evelina G. Escudero, ipagbabawal ang pagbibigay ng takdang- aralin sa lahat ng antas mula Kinder hanggan Grade 12. 

Napapabagal nito ang proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi lamang purong mga aralin at leksiyon sa paaralan ang itinuturo ng takdang- aralin.

Itinuturo rin nito na maging disiplinado at responsable ang mga mag-aaral ukol sa Teacher`s Coalition.

Nakasaad sa Seksiyon 2 Declaration of Politics ng House Bill No. 3611 na mayroong karapatan ang lahat ng mamamayan na matamo ang kalidad na edukasyon. Paano ba matatamo ang kalidad na edukasyon kung maipapasa ang panukalang batas na ito na ipagbabawal na nga ang pagbibigay ng takdang-aralin? 

Wika ni Dr. Jose P. Rizal na "Ang Kabataan ang pag-asa ng bayan". Huwag natin hayaang lamunin ng katamaran ang mga mag-aaral dahil sa panukalang batas na ito. 

Patuloy pa rin ang puspusang diskusyon ng Kongreso at DepEd kung tuluyan na nga bang ipapatupad ang panukalang batas na ito at kung nakatutulong ba talaga ito o hindi. 

Kinakailangan ang masuring pagrebtu ng kongreso sa panukalang batas na ito sapagkat walang kasiguruhang magkakaroon nga ng oras ang mga mag-aaral sa kanilang pamilya at kung maipaptuloy ang pagbibigay ng kalidad na edukasyon kung tuluyan nang maipapatupad ang panukalang batas na ito. 

Comments