Kapatid sa Kapatid, Tungkulin sa Tungkulin
“Two is better than one,” ika nga ng karamihan nang itinanghal bilang bagong president at bise president ng Students’ Coordinating Group o SCG ang magkapatid na sina Ella Mae Manluyang at Elaiza Mae Manluyang.
Sa kabila ng tagumpay, maraming beses nadapa si Ella at naranasan ang pait ng pagkatalo na siya ring nagtulak sa kanyang ina upang pagdudahan ang kanyang kapabilidad na maging lider. Ito rin ang kanyang naging inspirasyon upang patunayan na mali ang pagdududa sa kanya.
Malakas ang naging tibok ng kanyag puso ng hinarap na niya ang resulta ng SCG Election. Labis ang kanyang pag-iyak mula sa kasiyahang naramdaman nang nalaman siya’y nagwagi.
Si Elaiza ay isa ring consistent honor student na may hilig sa pagsayaw katulad lamang ng kanyang kapatid. Datapuwa’t habang marami silang pagkakapareho sa buhay, magkakaiba naman ang dalawa. Seryoso si Ella habang si Elaiza naman ay sumasabay lamang sa agos ng buhay. Nang inalok si Elaiza na tumakbo bilang bise president, tinanggap niya ito sa paniniwalang kaya niyang gampanan ang mga papel ng isang responsableng lider. Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat nang siya’y nanalo sabay pangako sa buong SCG na gagawan niya ang kanyang mga responsibilidad sa abot ng kanyang makakaya.
Napatunayan nilang kaya ng mga Manluyang na makamit ang tagumpay na magkasama sa anumang oras ng labanan.
Comments
Post a Comment