Nawawalang Pangil ng Batas
Kilala ang PMA bilang isang matatag na institusyon na nagpapalaganap at nagpapatupad ng mga batas sa bansa at humuhubog sa mga susunod na magpapatupad ng batas. Ngunit mismong sa institusyong ito pa nangyari ang karumal-dumal na gawaing ito. Sa pagpapatupad ng RA 11053 o Anti-Hazing Law, ipinapakita na tila wala itong silbi at walang natatakot sa batas na ito.
Hindi ito ang unang pagkakataong nangyari ang hazing sa loob ng PMA campus. Naging biktima rin sina Cadet Ace Bernabe Ekid noong taon 2000 at si Cadet Edward Domingo noong Marso 2001. Sa nangyari kay Dormitorio, patunay lamang ito na nabigo ang PMA sa pagsunod at pagpapatupad ng Anti-Hazing Law.
Namatay si Dormitorio dahil sa cardiac arrest secondary to internal hemorrhage. Bago sya namatay ay dinadaing na nito ang pagsakit ng kanyang tiyan. Sinasabing iba pang tatlong baguhan sa PMA ay nasa ospital din dahil sa pagsakit ng kanilang mga tiyan at bakas ng pagmaltrato sa kanila.
Matatandaan ding bumaba sa kanyang puwesto si Lt. Gen. Ronnie Evangelista bilang superintendent ng Philippine Military Academy na pinuri dahil sa pagharap ng kanyang kakulangan bilang nakatalagang superintendent ng institusyon.
Sabi pa ng mga kaibigan at pamilya ni Dormitorio, matagal nang pangarap ni Dormitorio ang makapasok sa PMA, subalit sa unang taon pa lamang niya rito ay nawala na ang kanyang pangarap na makapagsilbi sa bayan na parang isang bula.
Marami na ang namatay sa hazing, may batas na ukol dito. Ang tanong, binibigyan ba ito ng pansin ng gobyerno?
Inaasahan ng pamilya at mga kaibigan ni Dormitorio ang pahayag ng PMA na panagutin ang mga taong sangkot sa krimeng nangyari kay Dormitorio. Wala na sanang kaso ng hazing ang mangyari. Sa pagpapatupad ng Anti-Hazing Law, sana ay mabigyan ng matalas na pangil ang batas na ito upang tuluyan nang matigil ang hazing sa bansa. Wala nang natatakot dito, kaya dapat lamang na mas paigtingin ang pagpapatupad nito upang wala nang buhay pa ang masayang.
Sa pagpapatupad ng Anti-Hazing Law, sana ay mabigyan ng matalas na pangil ng gobyerno at ng PMA ang batas na ito upang tuluyan nang matigil ang hazing sa bansa. Wala nang natatakot dito, kaya dapat lamang na mas paigtingin ang pagpapatupad nito upang wala nang buhay pa ang masayang.
Comments
Post a Comment