Karagdagang kategorya sa pagsulat, idinagdag sa DSPC 2019

Galing at talento ang ipinamalas ng mga mag-aaral ng iba’t ibang paaralan sa Mati City Division sa Division Schools Press Conference (DSPC) 2019 na ginanap sa Davao Oriental Regional Science High School noong Setyembre 25-27, 2019.

Sa taong ito, nagdagdag ng bagong kategorya sa paligsahan katulad ng Pagsulat ng Haligi (Column Writing) at Online Publishing, na nagbigay ng mas malawak na oportunidad para sa mga batang manunulat.

“Ang kompetisyong ito [DSPC] ay ‘di lamang nagsisilbing pagsasanay kundi isa rin itong pinto tungo sa maraming oportunidad na naghihintay sa hinaharap,” sabi ni Miggy Templa, isang mamamahayag mula sa Immaculate Heart of Mary Academy at kalahok sa DSPC 2019.

Humigit-kumulang 300 na campus journalists ang lumahok sa nasabing kompetisyon sa kabila ng pag-alis ng ibang paaralan sa layong i-pokus ang atensyon sa mga paaralang nabibilang sa dibisyong ito.

Ang mga mananalong manunulat ay magrerepresenta sa ilalim ng Division of the City of Mati sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Panabo City, Davao del Norte.

Layon ng mga kalahok na ibandera ang galing sa pagsulat ng mga manunulat ng lungsod ng Mati at ituloy ito sa National School’s Press Conference na gaganapin sa Tuguegarao City, Cagayan Valley

Comments