Posts

Showing posts from November, 2019

Orihinal na Produkto, Ibinida sa Bentahan

Gamit ang mga natutunang aral sa paggawa ng mga produkto, gumawa ang mga estudyante ng ika-12 na baitang ng Immaculate Heart of Mary Academy ng mga produktong orihinal upang ibenta sa madla sa kasagsagan ng IHMA 72nd Founding Anniversary.  Sa pangunguna ng guro sa Entrepreneurship na si Gng. Jonessa Legaspi, lumikha ang mga mag-aaral ng iba’t ibang produktong hango sa kanilang piling produkto kasama ang malikhaing paggawa ng mga ito.  Ang layon ng proyektong ito ay ang makapaggawa ng sari-saring mga produktong abot kaya sa bulsa, patok, at maganda ang kalidad ng paglikha ng mga ito.  “Malaking tulong ang proyektong ito sa pagpapahusay sa kakayahan ng mga estudyante pagdating sa pakikipaghalubilo sa tao at sa pagnenegosyo at upang malamat natin kung ano ang iba’t ibang kilos pagdating sa pagnenegosyo,” saad ni Keithly Balugo, isang estudyante ng Accountancy and Business Management sa IHMA.  Naging matagumpay ang pagbebenta ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga ginawan...

POLIOsitibo: Handa na ba ang Pilipinas?

Dahan-dahang nilalamon ng Poliovirus ang katawan ng isang tao. Tila ba isang kumunoy na unti-unting hinihila ang tao pababa sa isang selda na walang kaligtasan. Nagising sa takot angmga residente ng Lanao del Sur matapos nagdeklara ng outbreak si Health Secretary Francisco Duque III. Ikinumpermang may naitalang kaso ng Poliovirus sa nasabing probinsya. Poliomyelitis o Polio ay isang lubhang nakakahawang sakit na sanhi ng Poliovirus kung saan inaatake nito ang nervous system. Ang kadalasang kinakapitan nito ay ang mga batang nasa limang taong gulang pababasintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka, at panghihina ng mga buto sa kamay at paa. Nakakuha ang sakit sa dumi ng taong nagpabakuna lamang at ang pagkakaroon ng hindi tamang hygiene. Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Ferchito Avelino positibo ang tatlong taong gulang na batang babae sa type 2 vaccine-derive poliovirus (VDPV) at pinaniniwalaang hindi ito nagpabakuna laban sa polio. Dagdag naman ng Kagawaran ng Kalus...

ASF sa Pilipinas

Ang African Swine Fever o ASF ay isang uri ng virus na lubhang nakakahawa lamang sa mga baboy. Hindi ito nakakaapekto sa mga tao kaya hindi ito nakababahala sa pangkalahatan. Nagkaroon ng pagpupulong noong ika-6 ng Septyembre at sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang mga pinadalang tissue sample sa laboryatoryo ng United Kingdom ay karamihang positibo sa nasabing sakit. Bagama’t hindi pa sigurado kung anong klase ng ASF ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy. Pinapaalahanan ang lahat ng mga mamimili na piliin ang mga karneng may tatak ng National Meat Inspection Service na nagpapahiwatig na ang baboy ay sumasailalim ng pagsusuri at ligtas itong kainin.

Hawak ang Kahapon

Agad-agad ka bang nainiwala sa mga balita na naggagaling sa mga salita ng mga tao sa paligid mo? Gumising ako sa mundong napakaraming gulo. Pagtingin ko sa aking kanan ay ang mga taong humihingi ng hustisya; pagtingin ko sa aking kaliwa ay ang mga taong nagpapakaya sa gulong ihinabilin nila. Empowering Communities through Campus Journalism – ito ang tema ng Division Schools Press Conference 2019 na nakatuon sa pagbibigay halaga sa pagkalap at pagbigay ng balitang makakaabot sa mga komunidad na ang hangad ay marinig ang katotohanan. Napakaimportante ng mga balita sa buhay ng mga tao, at may karapatan sila na malaman ang katotohanan. Kaya nararapat lamang na ang mga balitang ipinapahayag ay dinadaan sa masusing magsasaliksik at magtama upang makamit ang kredibilidad na hinahangad. Ang pagsalang sa Campus Journalism ay hindi lamang natatapos sa pagsulat, ito ay ang pagbabahagi ng mga kwentong makatotohanan at may patutunguhang layunin.  Sa tamang impormasyon at matibay na pananal...