Orihinal na Produkto, Ibinida sa Bentahan

Gamit ang mga natutunang aral sa paggawa ng mga produkto, gumawa ang mga estudyante ng ika-12 na baitang ng Immaculate Heart of Mary Academy ng mga produktong orihinal upang ibenta sa madla sa kasagsagan ng IHMA 72nd Founding Anniversary. 

Sa pangunguna ng guro sa Entrepreneurship na si Gng. Jonessa Legaspi, lumikha ang mga mag-aaral ng iba’t ibang produktong hango sa kanilang piling produkto kasama ang malikhaing paggawa ng mga ito. 

Ang layon ng proyektong ito ay ang makapaggawa ng sari-saring mga produktong abot kaya sa bulsa, patok, at maganda ang kalidad ng paglikha ng mga ito. 

“Malaking tulong ang proyektong ito sa pagpapahusay sa kakayahan ng mga estudyante pagdating sa pakikipaghalubilo sa tao at sa pagnenegosyo at upang malamat natin kung ano ang iba’t ibang kilos pagdating sa pagnenegosyo,” saad ni Keithly Balugo, isang estudyante ng Accountancy and Business Management sa IHMA. 

Naging matagumpay ang pagbebenta ng mga mag-aaral sa kani-kanilang mga ginawang produkto. 

Ipinagpatuloy ang operasyon ng proyekto maging sa 2nd Parents Teachers Association (PTA) Meeting, at huling linggo ng Oktubre 2019 kung saan ibinahagi ang benta ng mga estudyante sa mga patimpalak na sasalihan ng paaralan.

Comments