Hawak ang Kahapon
Agad-agad ka bang nainiwala sa mga balita na naggagaling sa mga salita ng mga tao sa paligid mo?
Gumising ako sa mundong napakaraming gulo. Pagtingin ko sa aking kanan ay ang mga taong humihingi ng hustisya; pagtingin ko sa aking kaliwa ay ang mga taong nagpapakaya sa gulong ihinabilin nila.
Empowering Communities through Campus Journalism – ito ang tema ng Division Schools Press Conference 2019 na nakatuon sa pagbibigay halaga sa pagkalap at pagbigay ng balitang makakaabot sa mga komunidad na ang hangad ay marinig ang katotohanan.
Napakaimportante ng mga balita sa buhay ng mga tao, at may karapatan sila na malaman ang katotohanan. Kaya nararapat lamang na ang mga balitang ipinapahayag ay dinadaan sa masusing magsasaliksik at magtama upang makamit ang kredibilidad na hinahangad. Ang pagsalang sa Campus Journalism ay hindi lamang natatapos sa pagsulat, ito ay ang pagbabahagi ng mga kwentong makatotohanan at may patutunguhang layunin.
Sa tamang impormasyon at matibay na pananalig rito ay magbibigay daan tungo sa mas katanggap-tanggap na komunidad. Malaki ang pananalig ng mga tao sa kabataan ngayon sa pagkalap ng mga balita. Ang kompetisyong ito ay ang maghahanda sa mga kabataang ito na ipahiwatig ang balitang tama at nararapat para sa kaalaman ng lahat.
Comments
Post a Comment