POLIOsitibo: Handa na ba ang Pilipinas?
Dahan-dahang nilalamon ng Poliovirus ang katawan ng isang tao. Tila ba isang kumunoy na unti-unting hinihila ang tao pababa sa isang selda na walang kaligtasan.
Nagising sa takot angmga residente ng Lanao del Sur matapos nagdeklara ng outbreak si Health Secretary Francisco Duque III. Ikinumpermang may naitalang kaso ng Poliovirus sa nasabing probinsya.
Poliomyelitis o Polio ay isang lubhang nakakahawang sakit na sanhi ng Poliovirus kung saan inaatake nito ang nervous system. Ang kadalasang kinakapitan nito ay ang mga batang nasa limang taong gulang pababasintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo, pagsusuka, at panghihina ng mga buto sa kamay at paa. Nakakuha ang sakit sa dumi ng taong nagpabakuna lamang at ang pagkakaroon ng hindi tamang hygiene.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Ferchito Avelino positibo ang tatlong taong gulang na batang babae sa type 2 vaccine-derive poliovirus (VDPV) at pinaniniwalaang hindi ito nagpabakuna laban sa polio.
Dagdag naman ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH), type 1 ang uri ng polio na nakita sa Maynila at type 2 naman sa lungsod ng Davao.
Ayon sa DOH, naging mababa ang porsiyento ng mga batang nasakupan ng bakuna. Nagkulang din sa pagpapalaganap ng tamang sanitasyon at tamang hygiene.
Hinihikayat ang lahat na ipabakuna ang mga bata sa lalong madaling panahon at matuto ng wastong pagaalaga sa sarili. Hinihikayat din ang mga magulang na pumunta sa pinkamalapit na Health Center kapag may nakitang sintomas ng Polio sa kanilang anak. Ayon kay World Health Organization (WHO) Country Representative Rabindra Abeyasinghe, kinkailangan pa din dagdagan ng dosis ang bakuna upang maging ganap na protektado rin. Wala nang ibang tao ang makakapagligtas sa iyo sa Polio kung hindi ang sarili. Mas mabuting handa bago pa ito lumala.
Comments
Post a Comment