ASF sa Pilipinas

Ang African Swine Fever o ASF ay isang uri ng virus na lubhang nakakahawa lamang sa mga baboy. Hindi ito nakakaapekto sa mga tao kaya hindi ito nakababahala sa pangkalahatan.

Nagkaroon ng pagpupulong noong ika-6 ng Septyembre at sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang mga pinadalang tissue sample sa laboryatoryo ng United Kingdom ay karamihang positibo sa nasabing sakit. Bagama’t hindi pa sigurado kung anong klase ng ASF ang naging sanhi ng pagkamatay ng mga baboy.

Pinapaalahanan ang lahat ng mga mamimili na piliin ang mga karneng may tatak ng National Meat Inspection Service na nagpapahiwatig na ang baboy ay sumasailalim ng pagsusuri at ligtas itong kainin.

Comments