IHMA: Kumain nang Wasto at maging Aktibo, Push natin ‘to
Sabay-sabay na gumiling ang mga mag-aaral ng IHMA sa inihandang "Zumba session" sa open ground ng paaralan ( Raven Dupa ) Buong buwan ng Hulyo ipinagdiriwang ang taunang Buwan ng Nutrisyon sa Immaculate Heart of Mary Academy na may kaakibat na temang “Kumain nang wasto at maging aktibo, push natin”. Pinangunahan ng Home Makers’ Club ang mga patimpalak na naaayon sa tema ng okasyon ngayong taon katulad ng Poster Making Contest, Digital Poster Making Contest, Food Preparation and Cooking Contest, at Jingle and Video Making Contest na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang sa sekondarya. Tuloy pa rin ngayong taon ang indakan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang antas ng sekondarya sa Zumba Fitness Exercise kada lingo sa buong buwan ng Hulyo. Ayon kay Bb. Erika Acera, tagapamahala ng Home Makers’ Club, masaya siya sa naging kalabasan ng idinaos na okasyon. “Nakakapagod dahil isa siyang malaking pagdiriwang ngunit Makita lang na masaya at ganado ang lahat ay napawi an...