Pantay na pagtingin sa kasarian, Binigyang-diin sa Development training
Nilahukan nina Edzyl Dosono at Ella Manluyang kasama ang mga SSG officers at peer facilitators ng iba't ibang paaralan ang idinaos na Training of Trainers on Gender and Development (GAD) and Peer Facilitation ng Department of Education. Ito ay ginanap noong ika-25 hanggang ika-27 ng Hulyo sa Mati National Comprehensive High School sa pangunguna ni schools division superintendent Reynaldo M. Guillena.
Binigyang diin sa tatlong araw na training ang kahalagahan ng pantay-pantay na pagtingin sa iba't ibang sexualidad, tamang pag-alaga sa reproductive health, at tuwid na pamamaraan ng peer facilitation.
Dahil sa makabuluhang pagtalakay ng mga paksa ng mga guest speakers, nagbukas ito ng ideya sa mga lider ng eskwelahan kung ano ang maaaring gawing proyekto sa kani-kanilang paaralan na makatutulong sa pangangailangan ng mga mag-aaral.
Iminungkahi ni Sr. Milagros N. Gomez, MIC,school directress/principal ng IHMA, ang pagbigay pokus facilitation upang mas matutokan at mabigyang-pansin ng mga mag-aaral ang kanilang kapwa mag-aaral.
Comments
Post a Comment